Ekwasyong parsiyal diperensiyal

Sa matematika, ang isang ekwasyong parsiyal diperensiyal (Ingles: partial differential equation o PDE) ay isang ekwasyong diperensiyal na naglalaman ng hindi alaman na mga punsiyong multibariabulo at mga parsiyal na deribato ng mga ito. Ang mga PDE ay ginagamit upang ipormula ang mga problemang kinasasangkutan ng mga punsiyon ng ilang mga bariabulo at nilulutas sa pamamagitan ng kamay o sa paglikha ng isang mahalagang modelong kompyuter. Ang mga PDE ay maaaring gamitin upang ilarawan ang isang malawak na uri ng mga phenomena gaya ng tunog, init, elektrostatika, elektrodinamika, daloy ng pluido o elastisidad. Ang mga tilang natatanging pisikal na phenomena nito ay maaaring ipormalisa ng pare pareho sa mga termino ng PDE na nagpapakita kung paanong ang mga ito ay pinangangasiwaan ng parehong pinagsasaligang dinamika. Kung paanong ang mga ekwasyong ordinaryong diperensiyal ay kadalasang modelo ng isang dimensiyonal na mga sistemang dinamikal, ang mga PDE ay kadalasang nagmomodelo ng mga sistemang multidimensiyonal. Ang mga PDE ay nakakahanap ng kanilang paglalahat sa mga ekwasyong stokastikong parsiyal diperensiyal.


Developed by StudentB